Good morning, tinapay at cup noodles!
:)
home alone.
magagandang ARAL mula kay Bob Ong (sa PAG-IBIG...)
“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson (sino yun?) o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”
“Pag di ka na mahal ng taong mahal mo, wag kang magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka kaya quits lang.”
“Ang TAMANG BAGAY saka TAMANG PANAHON wala ring saysay kapag wala na yung TAMANG TAO. Ang tao pwedeng mag adjust pero ang bagay at panahon hindi.”
“Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso. Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.”
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng totoong pagmamahal. Yun nga lang hindi lahat matibay sa temptasyon.”
“Hiwalayan mo na kung hindi na masaya sayo. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinapasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung wala ng pwesto para sayo? Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
Sagot kay Bob Ong, “Mapuno man ang elevator, sigurado namang babalik din yun.
At dadarating ang panahon na makakasakay ka din.” -Juan Tamad
-daming naka-RELATE! :p
magagandang ARAL mula kay Bob Ong (sa PAG-AARAL...)
“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila.. dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”
“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”
“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”
-END-
magagandang ARAL mula kay Bob Ong (sa BUHAY...)
“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”
“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”
“Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko.”
“Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.”
“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”
“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.”
“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”
“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”
“Titingnan mo ba ang basong kalahating bawas o kalahating puno?”
“Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.”
“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. Tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..”
“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”
“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
“Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo.”
-get inspired! :)
Subscribe to:
Posts (Atom)