magagandang ARAL mula kay Bob Ong (sa PAG-IBIG...)



Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson (sino yun?) o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”


“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”


“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”


“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”


“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”


“Pag di ka na mahal ng taong mahal mo, wag kang magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka kaya quits lang.”


“Ang TAMANG BAGAY saka TAMANG PANAHON wala ring saysay kapag wala na yung TAMANG TAO. Ang tao pwedeng mag adjust pero ang bagay at panahon hindi.”


“Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso. Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.”


“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng totoong pagmamahal. Yun nga lang hindi lahat matibay sa temptasyon.”


“Hiwalayan mo na kung hindi na masaya sayo. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”


“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinapasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”


Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung wala ng pwesto para sayo? Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”


Sagot kay Bob Ong, “Mapuno man ang elevator, sigurado namang babalik din yun.
At dadarating ang panahon na makakasakay ka din.” -Juan Tamad



-daming naka-RELATE! :p

No comments:

Post a Comment